ABS-CBN Philippine Television Live!! Nasa Pinaka ibaba, Puede pa makipag daldalan habang nanunuod

Mga Tawitwit kay Noynoy na Kinalap ni Pocanoy

gusto mo? i-like mo

Thursday, October 7, 2010

Noynoy Aquino's Speech on His First 100 days as president of the Philippines

On Noynoy Aquino's Speech on His First 100 days as president of the Philippines.



Pocanoy:Sir naiyak po ako sa iyong speyts. Naghalo po ang aking sipon at luha at nag pangabot sa aking baba.


Noynoy:
Ah nakinig ka ba Pocanoy? bakit ka naman naiyak?


Pocanoy:
Aba opo, intago ko nga po ang kopya ng inyong speyts. Aywan ko po bakit ako naiyak. Siguro po sa puno ng katapatan ang inyong mga sinabi wala po akong pambobola naramdaman.


Noynoy:
Salamat naman Pocanoy na nabasa mo hindi lamang ang aking sinabi kungdi pati ang aking saloobin.


Pocanoy
: Nabigla po ako sa mga perang binaggit mo na sana po ay malulustay naman dahil sa katiwalian ngunit naibalik ito sa kaban ng bayan. Di ko na po alam kung gaano karami yon. Umabot po ba kaya ang saving na iyon doon sa batang umiiyak doon sa tabi ng rilis dahil nagugutom?


Noynoy:
Yon ang ating hangarin Pocanoy, kaya nga pinupondohan natin ang mga ahensiya na direktang magaabot ng tulong sa sinasabi mong bata. Ang DSWD para kaagad-agad silang matulongan. Ang DOH para mapangalagaan ang kanyang kalusugan, at ang DepEd para makapag aral siya ng maayos at tuluyan nang maahon sa kahirapan.


Pocanoy:Hay salamat naman po... kaya pala ako naiyak ng husto. Hu hu hu hu hu


Noynoy:Bakit ka na naman napahagolgol dyan?


Pocanoy:
Kasi po anak ko po yong bata na nasa tabi ng rilis. hu hu hu hu hu.

Sa mga fans to Pocanoy dito nya po itinago ang kopya ng speech ni Noynoy . DITO PO.


Add To Google BookmarksStumble ThisFav This With TechnoratiAdd To Del.icio.usDigg ThisAdd To RedditTwit ThisAdd To FacebookAdd To Yahoo

No comments:

Post a Comment