ABS-CBN Philippine Television Live!! Nasa Pinaka ibaba, Puede pa makipag daldalan habang nanunuod

Mga Tawitwit kay Noynoy na Kinalap ni Pocanoy

gusto mo? i-like mo

Friday, October 8, 2010

Noynoy Aquino's dealing with USec. Puno


Noynoy Aquino's dealing with USec. Puno



Pocanoy: Sir may singer ka palang Usec. Gustong gusto ko po yong kanta nyang "Da wey we wer", "yong namamasyal pa sa luneta, na walang pera"


Noynoy: Hoy ano ka ba Pocanoy, Yang si Usec Puno ay hindi si Rico J. Kaibigan ko yan matalik, magaling mag shooting yan kaya nga sa Pulis ko siya ilinagay. Kaya lang ngayon medyo tagilin siya dahil sa hostage crisis at sa jueteng.


Pocanoy:
So, sa ngayon sir masusubokan na kung saan talaga ang loyalty ninyo. Sa kaibigan o sa Bayan.


Noynoy:
Syempre naman sa Bayan natin Pocanoy. Pero tayong mga Pilipino Pocanoy importante sa atin ang kaiibigan at mga kamag-anak. Hipokrito tayo kung sasabihin natin na baliwala sila sa ating buhay. Ngunit above our relationships is our responsibility to our country lalo na kaming nasa gobyerno. Ano kayang magandang gawin dyan kay Usec Puno Pocanoy?


Pocanoy
: Pabayaan mo na lang na dumaan siya sa due process sir. Kung mapatunayan di kamayan mo na lang at sabihin mo; "sorry pare" see you na lang sa kasal ko" hehehe


Noynoy:
Ano ka ba Pocanoy, after 6 years pa yon. Sayang naman ang galing nya kung hindi natin mapakinabangan.


Pocanoy: Ano po ba kwalifikesyon nyan ni Usec Puno?


Noynoy: Aba matagal nang consultant ng DILG-PNP yan Pocanoy, bukod sa magaling sa shooting nag aral din yan ng forestry sa UPLB?


Pocanoy:
Ah alam ko na po ang bagay sa kanya, pagtanimin nyo ng PUNO.

Sa mga fans ni Pocanoy may itinago po siyang lumang picture ng girlfriend ni Noynoy, cute . DITO PO.



Add To Google BookmarksStumble ThisFav This With TechnoratiAdd To Del.icio.usDigg ThisAdd To RedditTwit ThisAdd To FacebookAdd To Yahoo

No comments:

Post a Comment