On 100 days of Noynoy Aquino as President
Pocanoy: Nag kakagulo sila sir sa nakuha nyo sa eksamin 100. Na perfect nyo sir?
Noynoy: Ano ka ba Pocanoy First 100 days ko as president ang pinagkakaguluhan nila.
Pocanoy: aba akala ko po ay yon na ang iyong marka. Magulo kasi yang dalawa nyong communications secretary. Di magkasundo mali-mali tuloy ang balita,
Noynoy: Yang isan problema ko Pocanoy, medyo mahirap pala ang magkaibaiba ang tutulong sa ioy sa election. Akala ko tutulong lang talaga yon pala mga gahaman din sa power.
Pocanoy: Sir habang naniniwala pa saiyo ang mga tao, ayosin nyo kaagad ang gulong ito. Balita ko po merong "Samar" at "Balay" group sa inyong kabenete. Ay nako napili pang gamitin ang Binisayang pangalan. Oy mga readers dili na sila Bisaya.
Noynoy: Ano kayang puedeng gawin dito Pocanoy?
Pocanoy: Ingna lang na sila sir, "di gani mo mag tarung paulion ta mo sa Samar ug sa inyong Balay"
Noynoy: Ano ibig sabihin noon Pocanoy? Ipaliwanag mo nga.
Pocanoy: Give them 3 months sir to shape-up, if they cause more trouble than help, lamanoha dayon sir then say goodbye, let them go home and plant kamote.
Noynoy: I think I should do that Pocanoy. I should base my decision on their performance not on utang na luob.
Pocanoy: Yan sir Go go go..
Noynoy: Yan Pocanoy ang dahilan kung bakit bagsak ako sa mga militante at sa minority sa kamara.
Pocanoy: Huwag kayong mabahala sa dalawa na yon sir. Ang mga militante sir wala pang ipinasa na presidente mga iyan. Akala mo kung sinong propesor na matalino.. hmmmpp.
Noynoy: Eh ang minority?
Pocanoy: Huwag mong dibdibin sila sir, kaya nga sila minority eh!!!! mabahala po kayo kung majority na ang bumagsak sainyo.
No comments:
Post a Comment