Nonoy: Pocanoy sabi ng isang columnist Amboy daw ako.
Pocanaoy: Good sir, bekos I am a boy also!
Noynoy: Hindi yan ang ibig sabihin Pocanoy, ibig sabihin American Boy daw ako, na ang pinapahiwatig, ay sunod sunoran ako sa America.
Pocanoy: Tutuo ba eto sir? binaliktad na nga nila ang ating bandila. Galit ako doon sir, yong kasamahan nyo di man lang nag kusang loob na sabihan ang nag sabit noon na baliktarin. Pati kayo sir, ni hindi nyo man lang kaagad pinaayos. Nakapagpapiktyor na nga kayo ni Barok.
Noynoy: Hindi kita sisisihin Pocanoy kung galit ka pati sa akin dahil sa nangyari. It was an honest mistake. At pupurihin nga kita dahil sa alab nang pagmamahal mo sa ating Bayan. Sana lahat ng mamamayan gaya saiyo.
Pocanoy: Tungkol doon sa pagiging Amboy nyo sir; I tenk we shud estrayk the balans. Kailangan win-win situation ang hanapin natin. Mutual benefits kung baga.
Noynoy: aba ok yang proposal mo Pocanoy ah. Sigi ipagpatuloy mo.
Pocanoy: Ang tutuong sitwasyon sir is we need them and they need us. Yong mag hipokritong mga nag sasabi na hindi natin kailangan ang America ay karamihan ay mga green card holder. marami tayong kababayan sir sa America, at kailangan natin ang kanilang puhunan para makalikha tayo ng trabaho. kailangan natin ang kanilang military sa oras na mayroong gusto manlupig sa atin.
Noynoy: At bakit naman nila tayo kailangan?
Pocanoy: Tingnan mo ang lokasyon natin sir sa mapa, ang Pilipinas ang pinaka strategic just in case and tension between China and US ay lumalala. Hindi kayang i-give up ng US ang Pilipinas.
At saka kailangan nila ang ating mga nurses na alam kung papano mag alaga ng may sakit at matatanda.
Noynoy: Mukhang ok yang analysis mo Pocanoy.
Pocanoy: Kaya sir ang stand natin sa ating relasyon sa America ay hindi naman yong tamimi tayo palagi dahil akala natin tayo lang ang nangangilangan sa kanila. Kailangan taas nuo tayo dahil kailangan din nila tayo. At the same time friendly tayo sa kanila not to the point na sila ang masusunod but let us admit na kailangan din natin sila. At ito ay hindi lamang sa America pati na rin ang ibang bansa. Although Philippines has many Islands but no man is an Island pa rin.
Noynoy: Ok ka talaga Pocanoy. Pero bothered parin ako doon sa tawag nila na ako ay Amboy.
Pocanoy: Don't wori sir, basta alam mo na tayo ay malayang bansa na walang ano mang bansa ang mag didikta sa atin. Mag wori ka lang kung tawagin ka na nilang....
Noynoy: Ano Pocanoy?
Pocanoy: AM GIRL
No comments:
Post a Comment