Noynoy Aquino's Love Life (Part 2) | |
Noynoy:Pocanoy, ayaw talaga ako tantanan ng mga intriguero sa media at sa showbiz tungkol sa aking love life. Hindi ko a lam kung ako'y maiiyak, matatawa o maiinis sa mga intrigang ito. | |
Pocanoy: Ah! eh! hmmppp. | |
Noynoy: Alam mo Pocanoy para akong maiiyak hindi dahil broken hearted ako, maiiyakako dahil sa halip na pag tuonan natin ng pansin kung papano tayo makakatulong sa ating bayan ay pribadong buhay ng iba ang inaatupag natin. Naiiyak din ako Pocanoy sa mga apektadong tao, ayaw na ngang magsalita pilit na binibigyan ng mga salita ang kanilang pananahimik, kagaya ng nasusulat dito sa blog na ito. Na kuwari tayong dalawa ang nag uusap pero siya lang naman and sumasagot sa kanyang sarili. At lalo akong naiiyak sa ating mga kababayan na niniwala. Di ba nakakaiyak yon Pocanoy? | |
Pocanoy: Ah! eh! hmmppp. | |
Noynoy:Natatawa din ako Pocanoy kasi, tayong mga Pilipino mababaw lang ang ating kaligayahan. Sa akin isa yan sa mga positive characteristics natin. Kiligtayo sa mga kuentong ganito at nalilimotan natin ang hirap ng buhay. Kaya ang ating mga OFW for example madali silang makakita ng mapaglilibangan nila that help them bear loneliness in the field. But still my dream Pocanoy is our kababayan need not go go other places as a necessity. Hindi ka ba natutuwa nyan Pocanoy? | |
Pocanoy: Ah! eh! hmmppp. | |
Noynoy: At naiinis din ako sa mga media personality na para lang pagkaguluhan ay kung ano-anong issue ang pinalalabas. At halata namang na seni-sensationalize nila ng husto, para lumabas na marami ang nanuod sa kanilang show at marami ang mag advertize. Diba nakakainis yon Pocanoy? | |
Pocanoy: Ah! eh! hmmppp. | |
Noynoy: Oh ano Pocanoy bakit ayaw mong mag salita? | |
Pocanoy: Ah! eh! hmmppp. Sir I want to preserve my privacy. | |
Mga Tawitwit kay Noynoy na Kinalap ni Pocanoy
gusto mo? i-like mo
Tuesday, October 12, 2010
Noynoy Aquino's Love Life (Part 2)
Sunday, October 10, 2010
Love Life ni Noynoy
Noynoy Aquino's Love Life | |
Pocanoy:Sir ini intriga po kayo sa inyong love life. Break na daw kayo ni madam Lani. Marami pa namang ang botong boto sa kanya para sainyo. Ano po ang Nang yari? | |
Noynoy:Ah! eh! hmmppp. | |
Pocanoy:Sabi daw po ay third party. Yon daw pong cute din sa TV 5. Sayang naman po kung hindi kayo magkatuloyan. Kahit si Senenator Miriam gusto nya. Si Kris hindi ko lang alam kasi nag bow na siya na hinding hindi siya makikialam sa inyong love life which ok din siguro. Sir tutuo ba na aple of your eyes nyo daw ngayon as si Trish ng TV 5? | |
Noynoy: Ah! eh! hmmppp. | |
Pocanoy: Pero sa text po ni Trish sa isang Osisero wala naman daw po kayong anomang private na pag kikita, nag cover lang daw po siya sa inyo one time at iyon na yon. Pero bakit po kayo na link sa kanya? | |
Noynoy: Ah! eh! hmmppp. | |
Pocanoy: Sir medyo bitin lahat ng Pilipino when it come sa love life ninyo. Fifty year old na din kayo. Hindi pa po ba kayo mag aasawa? Baka mamaya, apo nyo na ang ipanganak nyo. Sigi kayo. | |
Noynoy: Ah! eh! hmmppp. Guard palabasin nga itong estorbong ito!! | |
Pocanoy: Oppps sorry po hindi na po. Susunod na po ako kay Kris. | |
Sa mga fans to Pocanoy may itinago po siyang lumang picture ng girlfriend ni Noynoy, cute . DITOPO. Meron din picture si Pocanoy kay Trish Dito po. |
Friday, October 8, 2010
Noynoy Aquino's dealing with USec. Puno
Noynoy Aquino's dealing with USec. Puno | |
Pocanoy: Sir may singer ka palang Usec. Gustong gusto ko po yong kanta nyang "Da wey we wer", "yong namamasyal pa sa luneta, na walang pera" | |
Noynoy: Hoy ano ka ba Pocanoy, Yang si Usec Puno ay hindi si Rico J. Kaibigan ko yan matalik, magaling mag shooting yan kaya nga sa Pulis ko siya ilinagay. Kaya lang ngayon medyo tagilin siya dahil sa hostage crisis at sa jueteng. | |
Pocanoy:So, sa ngayon sir masusubokan na kung saan talaga ang loyalty ninyo. Sa kaibigan o sa Bayan. | |
Noynoy: Syempre naman sa Bayan natin Pocanoy. Pero tayong mga Pilipino Pocanoy importante sa atin ang kaiibigan at mga kamag-anak. Hipokrito tayo kung sasabihin natin na baliwala sila sa ating buhay. Ngunit above our relationships is our responsibility to our country lalo na kaming nasa gobyerno. Ano kayang magandang gawin dyan kay Usec Puno Pocanoy? | |
Pocanoy: Pabayaan mo na lang na dumaan siya sa due process sir. Kung mapatunayan di kamayan mo na lang at sabihin mo; "sorry pare" see you na lang sa kasal ko" hehehe | |
Noynoy: Ano ka ba Pocanoy, after 6 years pa yon. Sayang naman ang galing nya kung hindi natin mapakinabangan. | |
Pocanoy: Ano po ba kwalifikesyon nyan ni Usec Puno? | |
Noynoy: Aba matagal nang consultant ng DILG-PNP yan Pocanoy, bukod sa magaling sa shooting nag aral din yan ng forestry sa UPLB? | |
Pocanoy: Ah alam ko na po ang bagay sa kanya, pagtanimin nyo ng PUNO. | |
Sa mga fans ni Pocanoy may itinago po siyang lumang picture ng girlfriend ni Noynoy, cute . DITO PO. |
Thursday, October 7, 2010
Noynoy Aquino's Speech on His First 100 days as president of the Philippines
On Noynoy Aquino's Speech on His First 100 days as president of the Philippines. | |
Pocanoy:Sir naiyak po ako sa iyong speyts. Naghalo po ang aking sipon at luha at nag pangabot sa aking baba. | |
Noynoy:Ah nakinig ka ba Pocanoy? bakit ka naman naiyak? | |
Pocanoy:Aba opo, intago ko nga po ang kopya ng inyong speyts. Aywan ko po bakit ako naiyak. Siguro po sa puno ng katapatan ang inyong mga sinabi wala po akong pambobola naramdaman. | |
Noynoy:Salamat naman Pocanoy na nabasa mo hindi lamang ang aking sinabi kungdi pati ang aking saloobin. | |
Pocanoy: Nabigla po ako sa mga perang binaggit mo na sana po ay malulustay naman dahil sa katiwalian ngunit naibalik ito sa kaban ng bayan. Di ko na po alam kung gaano karami yon. Umabot po ba kaya ang saving na iyon doon sa batang umiiyak doon sa tabi ng rilis dahil nagugutom? | |
Noynoy:Yon ang ating hangarin Pocanoy, kaya nga pinupondohan natin ang mga ahensiya na direktang magaabot ng tulong sa sinasabi mong bata. Ang DSWD para kaagad-agad silang matulongan. Ang DOH para mapangalagaan ang kanyang kalusugan, at ang DepEd para makapag aral siya ng maayos at tuluyan nang maahon sa kahirapan. | |
Pocanoy:Hay salamat naman po... kaya pala ako naiyak ng husto. Hu hu hu hu hu | |
Noynoy:Bakit ka na naman napahagolgol dyan? | |
Pocanoy:Kasi po anak ko po yong bata na nasa tabi ng rilis. hu hu hu hu hu. | |
Sa mga fans to Pocanoy dito nya po itinago ang kopya ng speech ni Noynoy . DITO PO. |
Wednesday, October 6, 2010
First 100 days of Noynoy Aquino as President of the Phillippines
On 100 days of Noynoy Aquino as President
Pocanoy: Nag kakagulo sila sir sa nakuha nyo sa eksamin 100. Na perfect nyo sir?
Noynoy: Ano ka ba Pocanoy First 100 days ko as president ang pinagkakaguluhan nila.
Pocanoy: aba akala ko po ay yon na ang iyong marka. Magulo kasi yang dalawa nyong communications secretary. Di magkasundo mali-mali tuloy ang balita,
Noynoy: Yang isan problema ko Pocanoy, medyo mahirap pala ang magkaibaiba ang tutulong sa ioy sa election. Akala ko tutulong lang talaga yon pala mga gahaman din sa power.
Pocanoy: Sir habang naniniwala pa saiyo ang mga tao, ayosin nyo kaagad ang gulong ito. Balita ko po merong "Samar" at "Balay" group sa inyong kabenete. Ay nako napili pang gamitin ang Binisayang pangalan. Oy mga readers dili na sila Bisaya.
Noynoy: Ano kayang puedeng gawin dito Pocanoy?
Pocanoy: Ingna lang na sila sir, "di gani mo mag tarung paulion ta mo sa Samar ug sa inyong Balay"
Noynoy: Ano ibig sabihin noon Pocanoy? Ipaliwanag mo nga.
Pocanoy: Give them 3 months sir to shape-up, if they cause more trouble than help, lamanoha dayon sir then say goodbye, let them go home and plant kamote.
Noynoy: I think I should do that Pocanoy. I should base my decision on their performance not on utang na luob.
Pocanoy: Yan sir Go go go..
Noynoy: Yan Pocanoy ang dahilan kung bakit bagsak ako sa mga militante at sa minority sa kamara.
Pocanoy: Huwag kayong mabahala sa dalawa na yon sir. Ang mga militante sir wala pang ipinasa na presidente mga iyan. Akala mo kung sinong propesor na matalino.. hmmmpp.
Noynoy: Eh ang minority?
Pocanoy: Huwag mong dibdibin sila sir, kaya nga sila minority eh!!!! mabahala po kayo kung majority na ang bumagsak sainyo.
Monday, October 4, 2010
Si Nonoy Amboy daw?
Issue on Philippine Relation with America:
Nonoy: Pocanoy sabi ng isang columnist Amboy daw ako.
Pocanaoy: Good sir, bekos I am a boy also!
Noynoy: Hindi yan ang ibig sabihin Pocanoy, ibig sabihin American Boy daw ako, na ang pinapahiwatig, ay sunod sunoran ako sa America.
Pocanoy: Tutuo ba eto sir? binaliktad na nga nila ang ating bandila. Galit ako doon sir, yong kasamahan nyo di man lang nag kusang loob na sabihan ang nag sabit noon na baliktarin. Pati kayo sir, ni hindi nyo man lang kaagad pinaayos. Nakapagpapiktyor na nga kayo ni Barok.
Noynoy: Hindi kita sisisihin Pocanoy kung galit ka pati sa akin dahil sa nangyari. It was an honest mistake. At pupurihin nga kita dahil sa alab nang pagmamahal mo sa ating Bayan. Sana lahat ng mamamayan gaya saiyo.
Pocanoy: Tungkol doon sa pagiging Amboy nyo sir; I tenk we shud estrayk the balans. Kailangan win-win situation ang hanapin natin. Mutual benefits kung baga.
Noynoy: aba ok yang proposal mo Pocanoy ah. Sigi ipagpatuloy mo.
Pocanoy: Ang tutuong sitwasyon sir is we need them and they need us. Yong mag hipokritong mga nag sasabi na hindi natin kailangan ang America ay karamihan ay mga green card holder. marami tayong kababayan sir sa America, at kailangan natin ang kanilang puhunan para makalikha tayo ng trabaho. kailangan natin ang kanilang military sa oras na mayroong gusto manlupig sa atin.
Noynoy: At bakit naman nila tayo kailangan?
Pocanoy: Tingnan mo ang lokasyon natin sir sa mapa, ang Pilipinas ang pinaka strategic just in case and tension between China and US ay lumalala. Hindi kayang i-give up ng US ang Pilipinas.
At saka kailangan nila ang ating mga nurses na alam kung papano mag alaga ng may sakit at matatanda.
Noynoy: Mukhang ok yang analysis mo Pocanoy.
Pocanoy: Kaya sir ang stand natin sa ating relasyon sa America ay hindi naman yong tamimi tayo palagi dahil akala natin tayo lang ang nangangilangan sa kanila. Kailangan taas nuo tayo dahil kailangan din nila tayo. At the same time friendly tayo sa kanila not to the point na sila ang masusunod but let us admit na kailangan din natin sila. At ito ay hindi lamang sa America pati na rin ang ibang bansa. Although Philippines has many Islands but no man is an Island pa rin.
Noynoy: Ok ka talaga Pocanoy. Pero bothered parin ako doon sa tawag nila na ako ay Amboy.
Pocanoy: Don't wori sir, basta alam mo na tayo ay malayang bansa na walang ano mang bansa ang mag didikta sa atin. Mag wori ka lang kung tawagin ka na nilang....
Noynoy: Ano Pocanoy?
Pocanoy: AM GIRL
Sunday, October 3, 2010
Noynoy Aquino's Yellow Fever is fading fast!
Dealing with militant groups:
Noynoy: Pocanoy mabilis daw nalumalaos ang yellow fever.
Pocanoy: mabuti po yon, ni hindi pa nga alam ng DOH kung ano ang yellow fever ay palaos na kaagad. Ano po bang sakit ang yellow fever?
Noynoy: Hindi sakit yan pokanoy, yan ang nag bunsod sa akin na maging presidente, natandaan mo ng mamatay si mommy biglang nag labasan uli ang mga yellow colors showing support na magkandidato ako?
Pocanoy: Ah sorry po, medyo maglagnat kasi ako kaya feber kaagad ang naisip ko. Nabasa ko nga po iyon.
Noynoy: Anong masasabi mo dyan sa issue na yan Pocanoy?
Pocanoy: Do not wori abaot dat bossing. Una, sino na pong presidente and sinangayonan ng mga iyan? Lahat po nang gawin nyo palaging contra yan, yan ang kanilang papil sa ating lipunan, na sa aking palagay ay hindi naman masama kung baga balanser.
Noynoy: Pocanoy mabilis daw nalumalaos ang yellow fever.
Pocanoy: mabuti po yon, ni hindi pa nga alam ng DOH kung ano ang yellow fever ay palaos na kaagad. Ano po bang sakit ang yellow fever?
Noynoy: Hindi sakit yan pokanoy, yan ang nag bunsod sa akin na maging presidente, natandaan mo ng mamatay si mommy biglang nag labasan uli ang mga yellow colors showing support na magkandidato ako?
Pocanoy: Ah sorry po, medyo maglagnat kasi ako kaya feber kaagad ang naisip ko. Nabasa ko nga po iyon.
Noynoy: Anong masasabi mo dyan sa issue na yan Pocanoy?
Pocanoy: Do not wori abaot dat bossing. Una, sino na pong presidente and sinangayonan ng mga iyan? Lahat po nang gawin nyo palaging contra yan, yan ang kanilang papil sa ating lipunan, na sa aking palagay ay hindi naman masama kung baga balanser.
Noynoy: Aba ok ang twit mo na yan pocanoy, may commission ka na.
Pocanoy: kagaya po ng ibang mamamayan dapat din silang pakinggan, pero mas makinig po kayo sa kanilang motibo at huwag masyado sa kanilang sinasabi.
Noynoy: Aba ok na naman yang twit mo Pocanoy, another commision Pocanoy.
Pocanoy: Baka hindi nyo po alam, ang pinaka dulo ng motibo nila ay palitan ang sistema ng gobyerno natin ng kanilang idolohiya.
Noynoy: aba nag da-judge kana Pocanoy, bawas sa commission mo yang ganyan. Ayaw ko ng ida-judge natin ang mamamayan, kailangan nating respitohin ang bawat isa.
(mahabang katahimikan ang sumunod......)
Noynoy: O Pocanoy, bakit hindi kana nag sasalita?
Pocanoy: Eh..eh.. baka mabawasan uli ang komisyon ko...walang pambiling gatas si bunso.
Pocanoy: kagaya po ng ibang mamamayan dapat din silang pakinggan, pero mas makinig po kayo sa kanilang motibo at huwag masyado sa kanilang sinasabi.
Noynoy: Aba ok na naman yang twit mo Pocanoy, another commision Pocanoy.
Pocanoy: Baka hindi nyo po alam, ang pinaka dulo ng motibo nila ay palitan ang sistema ng gobyerno natin ng kanilang idolohiya.
Noynoy: aba nag da-judge kana Pocanoy, bawas sa commission mo yang ganyan. Ayaw ko ng ida-judge natin ang mamamayan, kailangan nating respitohin ang bawat isa.
(mahabang katahimikan ang sumunod......)
Noynoy: O Pocanoy, bakit hindi kana nag sasalita?
Pocanoy: Eh..eh.. baka mabawasan uli ang komisyon ko...walang pambiling gatas si bunso.
Friday, October 1, 2010
Noynoy on Excommunication
Issue on the ballooning population of the Philippines:
Noynoy: Bakit kaya hindi itinuloy and pag excommunicate sa akin? Kinabahan din ako doon Pocanoy.
Pocanoy: Two reasons po ang aking naisip ngayong hindi pa ako masyadong nag-iisip: Una, binata ka pa sir, so they are sure na hindi ka gagamit ng KONTRSEPTIBS. Pangalawa, baka maraming ma excommunicate na mga manggagawa sa simbahan. Baka lang...
Noynoy: Intriga ka Pocanoy ah!
Pocanoy: Hehehe.. pero tama po ang stand ninyo... unahin ang kapakanan ng bayan keysa sa paboran ang ibat ibang religious groups.
Noynoy: Talagang malaki ang problema natin sa population Pocanoy anong masasabi dito.
Pocanoy: Simpol Math po. Poverty has two equations:
Poverty=resources generated minus resources demanded by people.Poverty also happen when total resources generated = Resources needed by majority minus Resources held by few people.Pag Negative po pareho ang answer marami po ang naghihirap.
Noynoy: Aba! pinabilib mo ako nitong equation mo. Pero anong connection nito sa contraceptives Pocanoy?
Pocanoy: Kung ayaw nyo pong bawasan ang pagdami ng population then make the population productive. Ok po ito sa communista kasi puede mong puersahin ang tao na mag trabaho para maging productive. Kagaya ng China. Pero dito po sa atin hindi mo puede pilitin kaya the best po ay yong bawasan ang pag dami ng populacion.
Noynoy: Aba ok yang theory mo. Pero ang hindi mo alam Pocanoy, Alam ko na yang sinasabi mo. Kaya nga kahit i-excommunicate ako ok lang, hindi naman sila ang sasalubong sa akin sa langit, hindi ko nga sigurado kung magpapangabot kami doon.
Pocanoy: Hehehe nagoyo mo ako doon sir alam mo na pala ito lahat. Akala ko makaka collect na ako ng aking first commission.
Noynoy: Di bali Pocanoy. Oh heto P5.00 pesos pambili mo ng condom.
Pocanoy: (kinuha ang 5 pesos at sabay bulong) Ayy hindi alam ni sir ang price!
Subscribe to:
Posts (Atom)