ABS-CBN Philippine Television Live!! Nasa Pinaka ibaba, Puede pa makipag daldalan habang nanunuod

Mga Tawitwit kay Noynoy na Kinalap ni Pocanoy

gusto mo? i-like mo

Saturday, September 12, 2009

Paliwanag sa mga nasa Dilim


Mga mambabasa,
Ako po ay isang probensiyano. Bata pa po ako nang ang ama ni Noynoy na si Ninoy ay nabilanggo at wala po akong ka alam- alam kung bakit. Akala ko po ay nagnakaw siya ng manok ng kapitbahay kasi po may nakita akong nabilanggo sa aming barangay barracks na nagnakaw ng itlog ng inahin namin hanggang sa nahuli siya ng tatay ko at ipinakulong ng 5 oras. Hindi ko rin alam ang patungkol sa mga Marcoses. Alam ko siya ang ating presidente noon. In other words tangingot ako sa mga nangyayari sa ating bansa.

Hangang sa biglang lahat ng radio station na pinakikinggan namin ay nag babalita ng tungkol sa pagkamatay ni ninoy... aba akala ko nahulog lang siya sa eroplano, e kung ganoon obios na mamatay nga siya. Mayamaya mo mayroon na akong naririnig na sa Edsa ang mga madre gustong ibala sa kanyon kasi nakaharang sa daan. Tapos si Enrile at si Ramos daw nag ala-Rambo at pinasok ang kampo ni Marcos, at sa takot ni Marcos sumakay ng helecopter naiwan ang isa nyang tsinelas Tapos ang kanya daw asawa na si Emilda (sa bisaya) ay biglang umiyak dahil medyo maliit ang naisuot na sandal sa pag mamadali.

Eniwey, maya- maya narinig ko uli sa radio na si Cory na ang presidente at lahat daw mag suot ng dilaw. buti na lang ang bref ko dilaw.. dati puti yon, aywan ko bakit naging dilaw...

Medyo nawala ako sa sarili ko sa matagal na panahon at ngayong may tv na sa kapit bahay ang pinag uusapan na ay kung si Noynoy ba ang papalit kay Erap, kasi ayaw na daw ang mga tao sa batang babae na papalit kay Erap. OO nga naman.. so ngayon po nangongolekta po ako ng picture ni Noynoy at binabasa ko po kung ano ang nasa kayang isiapan. ito na po ngayon ang trabaho ko mind reader. Ang nababasa ko po ay iyong mga hindi pa naiisip ni Noynoy pero na kikita ko na .. so I hop makilala ninyo si Noynoy sa pamamagitan ng mga nakasulat dito...

Add To Google BookmarksStumble ThisFav This With TechnoratiAdd To Del.icio.usDigg ThisAdd To RedditTwit ThisAdd To FacebookAdd To Yahoo

No comments:

Post a Comment